EduKemya: Edukasyon sa Panahon ng Pandemya (Post Review)

 

Ang edukasyon sa panahon ng pandemya na tinawag na new normal ay talagang isang hamon para sa lahat lalong lalo na sa mga guro at mga estudyante, sari-sari ang reaksyon at opinyon ng lahat. Bilang mag-aaral na nakaranas ng new normal totoong napakahirap ng ganitong klaseng pagbabago sa edukasyon sa simula ngunit sa pagtagal at pag-usad ng panahon ay unti-unti na itong nakasanayan. Wala man sa paaralan ngunit  marami pa din ang kaalaman na aking natutunan hindi lamang sa akademiko pati na rin sa iba’t ibang aspeto. Sa pag-aaral sa tahanan ay natutunan ko ang pagbabalanse ng aking oras sa araw-araw, natutunan kong pagkasyahin ang aking oras sa lahat ng aking mga asignatura at mga gawain pati na rin ang pang araw-araw na gawain sa bahay. Hindi katulad sa paaralan na may sistematikong oras na sinusunod, ang pag-aaral sa tahanan bunsod ng edukasyong new normal ay nangangailangan din ng sariling disiplina na akin din natutunan lalong lalo na sa paggawa ng mga pagsasanay dahil hindi katulad noon na ang mga gawain ay kadalasang ginagawa sa itinakdang oras sa eskwela ang mga pagsasanay na gawain ngayon ay nakasalalay sa disiplina ng mag-aaral. Natutunan ko din ang pagiging responsable sa aking pag-aaral dahil sa limitasyon sa pag-aaral natutunan kong maging responsable sa aking pag-aaral sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga bagay na hindi ko gaanong maintindihan hindi katulad noon na lahat ay inaasa sa guro. Sa edukasyong new normal ay hindi din mawawala ang aking pagkatuto sa pag gamit ng mga makabagong aplikasyon sa pag aaral tulad ng mga google meet, zoom, google classroom, google docs at marami pang iba na hindi ko naman ginagamit noon ngunit siya ng pangunahin kong kailangan sa pag-aaral ngayon. Natutunan ko din ang paggamit sa iba’t ibang teknolohiya bukod sa celphone.Sa edukasyon ng new normal ko din nalinang ang aking kakayahan sa visual arts dahil sa iba’t ibang pagsasanay na ginagamitan ng brochure, report, komiks at iba pa. Sa pag-aaral sa new normal marami din akong nadiskubre sa aking sarili. Isa sa mga nadiskubre ko sa aking sarili ay mas nakakapag-aral ako sa gabi kaysa sa umaga. Nadiskubre ko din sa aking sarili na mas epektibo sa aking pag-aaral ang paggamit ng mga kulay o highlighter, sa paggamit nito ay mas natatandaan ko ang aking inaaral kaysa noon na powerpoint ang aking kadalasang ginagamit sa pag-aaral. 

 
                           
                           Mahirap man sa simula pero sa aking pag aanalisa sa mga bagay na aking natutunan, nalinang at nadiskubre sa aking sarili noong panahon ng pandemya ay talaga namang nakamamangha dahil ngayon ko lang nakita na hindi naman nauwi sa wala ang bagong metodo sa pag-aaral na umusbong dahil sa panahon ng pandemya. Hindi man ito ang ating nakasanayan sa pag-aaral ngunit hindi na din naman masama dahil napakarami ko rin namang natutunan bukod sa akademiko ay may natutunan din ako sa  iba’t ibang aspeto ng buhay na hindi ko matututuhan sa tradisyonal na paraan ng pag-aaral. Hindi na rin masama ang makabagong edukasyon na ginagawang alternatibo sa panahong kasagsagan ng pandemya kaysa naman matigil ang mga mag-aaral sa pag-aaral. Tulad nga ng sabi nila hindi naman tayo hihintayin ng mundo, patuloy ito sa pag-ikot kahit nakatigil tayo.




Comments

  1. Wow! Thank you for this informative blog! Looking for more of this. <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that you find my blog informative. I will definitely make more content like this so stay tune for more updates.

      Delete
  2. Very interesting topic Ms.Ira , Thankyou for sharing your experiences i have learned a lot from your content Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that you find my blog interesting and I am happy that you learned something which is one of the reason of this blog.

      Delete
  3. Very educational topic Ms. Aira, Thanks for other information reviewing your topic. I have learn so many things about this subject Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that you find my topic to be educational. I'm happy that you learned something from me. Marami pong salamat.

      Delete
  4. Thank you very much for sharing your knowledge about the face to face class during pandemic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for your support but it is actually about the online class set-up during the pandemic.

      Delete
  5. You're making a huge impact. Thank you maam Ira for sharing your experience.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! I am glad that this blog has a huge impact for you.

      Delete
  6. Thank you, Aira for sharing your experience during the covid-19 pandemic. A lot of things I realized while reading your blog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that you realized many thins while reading my blog. I will be happy if you can share what you realized about my topic to me.

      Delete
  7. Siyang tunay! Dahil sa edukasyon ng new normal nalinang ang ating kakayahan sa visual arts dahil sa iba’t ibang pagsasanay na ginagamitan ng brochure, report, komiks at iba pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maaaring maraming nahirapan sa pag-aaral sa pandemya ngunit hindi talaga maitatanggi ang katotohanang mayroon din namang kakayahan at kaalaman na nalingan noong mga panahong ito.

      Delete
  8. Tama, sobrang laking tulong at magandang impormasyon ang iyong naparating sa lahat ng mambabasa 🫶

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pong salamat. Masaya ako na may natutunan kayong kaalaman mula sa akin.

      Delete
  9. Wow! Great content! This is very informative and eye opening!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that my blog serve as an eye opener to you. Thank you for supporting my blog.

      Delete
  10. Thank you for sharing this informative blog with us. I am sure that I can use this in the near future!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am glad that you find my blog informative. Stay tune for more update.

      Delete
  11. I am always ready to share more to you in the future so please stay tune and follow for more.

    ReplyDelete
  12. Marami akong napagtanto at natutunan mula sa salaysay na ito, nakita ko kung paano mo isinabuhay ang mga aral mula sa mga karanasan mo sa pag-aaral gamit ang online class, maraing salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kwento.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Wikang Filipino: Wikang Koreano?

Experiencing the Field of Education