Wikang Filipino: Wikang Koreano?

            

Bawat bansa ay may kanya-kanyang natatanging wika, bawat wika ay may sariling pagkakakilanlan. Sa panahon ng teknolohiya makikita ang bakas ng paglawak ng globalisasyon. Sa pamumukadkad ng pandaigdigang interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo, ang komunikasyon ay itinuturing na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Pinaka makapangyarihan ang wika hindi lamang sa komunikasyon,  maging sa pagpapalawig ng ekonomiya, interpersonal na pakinabang, akademiko at marami pang iba. Sa lumalagong pagkakasundo ng iba’t ibang bansa ang pag aaral ng wika ng iba’t ibang bansa ay naging normal at hindi dito namumukod ang Pilipinas. Ang pag-aaral ng Ingles ay kasama sa kurikulum ng Pilipinas bukod dito ay marami pang wika ang gustong pag-aralan lalo na ng mga kabataan isa na dito ang wika ng mga koreano.  Dahil sa paglaganap ng korean pop o mas kilala bilang kpop marami ang mga kabataan na nahuhumaling hindi lamang sa mga grupo ng mga korean artist ngunit maging sa kanilang kultura, uri ng pamumuhay at maging sa wika. Ayon sa isang artikulo ng philstar ay pang lima ang Pilipinas sa masugid na tagahanga ng k-pop.

Napakaraming kabataan ang nag aasam na matuto ng wikang koreano, iba’t ibang tutorial sa internet ang paulit-ulit na pinapanood ng mga kabataan upang wikang koreano ay matutunan. Ngunit dapat pa nga bang ituro ang wikang Koreano? Ang pagtuturo sa kolehiyo ng wikang koreano ay ikatutuwa ng marami ngunit hindi ba at mas maganda kung pagyamanin muna natin ang sariling atin bago ang sa iba? Mayo taon ng 2019 ng isa batas ang pagtanggal ng pag aaral sa wikang Filipino sa kolehiyo, hindi ba at napaka laki namang insulto hindi lamang sa ating pagka pilipino ngunit maging sa kabuuan ng bansa na pag aralan ang wikang banyaga kaysa sa sarili nating wika? Ang pagtuturo ng wikang Koreano ay maganda ngunit hindi ba dapat ay unahin muna natin ang atin kaysa ang sa iba? Sa panahon ngayon na katatapos lang ng pandemya, ang mga kabataan ay halos hindi pa matapos sa panonood at pagtangkilik sa kdrama at kpop dahil dito ay paniguradong ang sarili nating lenggwahe ay mangungulelat na naman sa mga kabataan kaya nararapat lamang na kung ang pag-uusapan ay akademya ay isantabi muna natin ang ibang lenggwahe at hasain ang atin.   Ang ating wika ang higit na dapat nating pagyamanin muna kaysa ang iba pang wika. Maaaring sinasabi ng iba na hindi na kailangan aralin ang wikang Filipino dahil alam na naman natin ang pag gamit sa ating sariling wika ngunit ito ay walang katotohanan. Iba ang pag gamit ng wika sa pananalita at sa paggamit nito sa wasto at pormal na paraan. Sa pag alis pa ng wikang Filipino sa kolehiyo inaalis nito ang karapatan ng mga kabataang Pilipino sa wastong pagkilala sa sariling wika. Ang bansa natin ay Pilipinas hindi Amerika o Korea kaya higit sa lahat dapat pagyamanin natin ang ating sariling wika hindi ang wika ng ibang bansa.

Ang pag-aaral ng iba pang wika ay isa ring kalakasan, magandang oportunidad din ang hatid nito para sa atin lalo na sa lumalaganap na globalisasyon ngayon sa buong mundo ngunit tandaan natin na ang wika ay sumasagisag sa pagkakakilanlan ng isang bansa, ang pagpapayaman ng ating wika ay ating tungkulin natin sa ating bansa. Sinasalamin din ng wika ang ating kultura at paniniwala. Mahalin muna natin ang sariling wika, pagyamanin ito at ipagmalaki bago tayo mag aral ng iba pang wika. Bigyan pa ng pagpapahalaga sapagkat ito ay atin at ang nagbibigay pagkakakilanlan sa atin. Ito ay ating itaguyod at pagyamanin hanggang sa susunod na henerasyon, ang wikang nagmula sa atin ang dapat inuuna kaysa sa wikang banyaga. Kung hindi natin pagyayamanin ang sarili nating wika wala ng iba pang magmamalasakit.


                         


Comments

  1. Amazing for this blog.. this content I enjoy this read.. This generation will be recommend for those who a fan addict of kdrama series, movies and kpop songs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masaya ako na nasiyahan ka sa pagbabasa ng aking blog. Marami pong salamat isang malaking tulong na irekomenda ito upang mas marami pa ang mga taong mabuksan ang mata patungkol sa ating wika

      Delete
  2. Very interesting topic , I recommend this blog to my friend since they are addicted to kdrama heheh. Godbless.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pong salamat sa pagrekomenda nnito dahil maaari itong maging daan para mas marami pa ang magmahal sa ating wika

      Delete
  3. Napakaganda at mahusay na blog! Isang pribilehiyo ang makabasa ng ganitong nilalaman ng blog. Tunay ngang napakahalaga ng wika para sa ating pagkakakilanlan. Ang iyong adhikain na palakasin ang sariling wika at pagyamanin ay hindi matatawarang abilidad na kinakailangan para sa mga kabataang uhaw sa wika ng karatig bansa. Nawa'y patuloy mong pagyamanin ang pagmamahal sa ating sariling wika. Mahusay at maraming salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po sa pagsuporta, hinahangad ko lamang na makatulong ang blog na ito upang mas mapayaman pa ang ating wika at makakaasa po kayo na ipagpapatuloy ko pa ito sa mga susunod pang babasahin dahil totoong aking adhikain na pagyamanin pa ang ating wika

      Delete
  4. Napakahusay ng pagkakagawa ng iyong blog!!! Salamat po sa pagbabahagi ng iyong kaalaman patungkol sa wika. Tunay nga na ang wika ay mahaga sa ating buhay dahil ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat Isa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa inyong pagsuporta. Bukod sa pagkakakilanlan ay ginagamit din ang wika sa komunikasyon na tulay sa pagkakaisa kaya naman mahalaga talaga ang wika.

      Delete
  5. Impressive content, this blog will utterly help me to become more aware about the different languages. Thank you for sharing your wonderful experience with us.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pong salamat sa suporta. Masaya ako na naging daan ang blog na ito upang mas dumami pa ang iyong kaalaman sa iba't ibang wika.

      Delete
  6. Thank you for giving such an informative blog for your readers. I will definitely get in touch with your blogs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa inyong suporta. Makakaasa po kayo ng marami pang babasahing makapagbibigay ng kaalaman.

      Delete
  7. Replies
    1. Marami pong salamat. Nawa'y mayroon po kayong natutunan.

      Delete
  8. Talaga namang ang wikang Filipino ay dapat MAS pagyamanin at ipagmalaki bago mag aral ng iba pang wika. Bigyan pa ng pagpapahalaga sapagkat ito ay nagbibigay pagkakakilanlan at sumasalamin sa historya ng ating bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po ang inyong sinabi. Hindi naman masama mag aral ng ibang wika ngunit mahalagang tandaan na dapat unahin muna ang atin.

      Delete
  9. Tunay na nakakamangha at punong-puno ng mahahalagang impormasyon ang blog na ito! Mahusay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po. Masaya akong may nakuha kayong impormasyon sa blog na ito.

      Delete
  10. Sumusuporta ako sa iyong mga isinaad, dahil alam ko rin ang halaga ng wikang pambansa, simbolo ito ng ating pagkaka-kilanlan bilang mga Pilipino, ang iyong salaysay ay binigyan diin ang asignaturang Filipino. Maraming Salamat po Bb. Aira

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

EduKemya: Edukasyon sa Panahon ng Pandemya (Post Review)

Experiencing the Field of Education