Posts

Showing posts from January, 2023

Experiencing the Field of Education

Image
              It's been a tough 3 and half years of journey before we finally experience the actual field of education. What I can say is that it is really different from what we view, what we know about education is different from reality. As we go on to our journey in education by being deployed to in and off campus the sense of reality is really rubbing off.                 As we experienced the actual school settings, I realized so many things. One of my realizations is that theories and reality are really different to each other. As we are all well versed in different theory I thought that it can be easily applied in real school setting but as I observed, although some of it are implemented by the teachers many of the theories can't be applied because the most important are the students, even if you want to apply the theories there will always be changes and discrepancy because in reality there are situations that can't be help and this may cause disruptions that the t

Wikang Filipino: Wikang Koreano?

Image
              Bawat bansa ay may kanya-kanyang natatanging wika, bawat wika ay may sariling pagkakakilanlan. Sa panahon ng teknolohiya makikita ang bakas ng paglawak ng globalisasyon. Sa pamumukadkad ng pandaigdigang interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo, ang komunikasyon ay itinuturing na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Pinaka makapangyarihan ang wika hindi lamang sa komunikasyon,  maging sa pagpapalawig ng ekonomiya, interpersonal na pakinabang, akademiko at marami pang iba. Sa lumalagong pagkakasundo ng iba’t ibang bansa ang pag aaral ng wika ng iba’t ibang bansa ay naging normal at hindi dito namumukod ang Pilipinas. Ang pag-aaral ng Ingles ay kasama sa kurikulum ng Pilipinas bukod dito ay marami pang wika ang gustong pag-aralan lalo na ng mga kabataan isa na dito ang wika ng mga koreano.   Dahil sa paglaganap ng korean pop o mas kilala bilang kpop marami ang mga kabataan na nahuhumaling hindi lamang sa mga grupo ng mga korean artist ngunit magin

EduKemya: Edukasyon sa Panahon ng Pandemya (Post Review)

Image
  Ang edukasyon sa panahon ng pandemya na tinawag na new normal ay talagang isang hamon para sa lahat lalong lalo na sa mga guro at mga estudyante, sari-sari ang reaksyon at opinyon ng lahat. Bilang mag-aaral na nakaranas ng new normal totoong napakahirap ng ganitong klaseng pagbabago sa edukasyon sa simula ngunit sa pagtagal at pag-usad ng panahon ay unti-unti na itong nakasanayan. Wala man sa paaralan ngunit  marami pa din ang kaalaman na aking natutunan hindi lamang sa akademiko pati na rin sa iba’t ibang aspeto. Sa pag-aaral sa tahanan ay natutunan ko ang pagbabalanse ng aking oras sa araw-araw, natutunan kong pagkasyahin ang aking oras sa lahat ng aking mga asignatura at mga gawain pati na rin ang pang araw-araw na gawain sa bahay. Hindi katulad sa paaralan na may sistematikong oras na sinusunod, ang pag-aaral sa tahanan bunsod ng edukasyong new normal ay nangangailangan din ng sariling disiplina na akin din natutunan lalong lalo na sa paggawa ng mga p